(I'd like to highlight stocks but with the current market, I'd rather have a black highlighter to blot out everything haha. So I'm resorting to casual writing. Please read entry on "Welcome to Stuck Hair.." for the prologue.)
Me: Opo. Nasa stock exchange ang Meralco. Meron nga A and B shares ang Meralco eh.
MB: Ah ganon ba, parang multiple choice pala.
Me: Uhm, di naman po. Yung A para sa Pinoy, ang B para sa foreigners.
MB: Aba, pwede palang bumili ang dayuhan??? Bakit natin pinapayagan yan? Kaya siguro umaakyat ang kuryente natin! Boycott! Pero teka, di ba sabi mo sa akin dati, pag bumili akong stocks, ibig sabihin may-ari na rin ako ng kumpanyang binili ko?
Me: (Sometimes I wish I hadn't started the topic of stock market with him. But if I didn't, I'll probably fall asleep while he wreaks havoc on my hair) Ah opo. Pero...
Before I could finish my statement, Mang Berto interjects.
MB: Eh diba pag amo ka, di mo na kailangang magbayad? Bili na lang akong isang share ng Meralco. Pwede rin ba ako sa B? Magkano ba ang isa?"
Philip: Sa A na lang po kayo, nationalistic pride di ba.
Ines nods her head.
Mang Berto stops for a while and thinks. He holds the scissors precariously near my ears. His eyes brighten up.
MB: Tama ka! Tapos dahil amo na ako, pwede kong sabihin na di na ako magbabayad ng kuryente ko! Di na ako pwedeng kulitin nung taga Meralco na yan.
Me: Hinahabol kayo ng Meralco?
MB: Di naman kami nagkaka-abutan kaya ok lang haha. Di ko kasi binayaran yung bill ko nung isang buwan. Buti naman at di pa ako napuputulan.
Ines gives him a stern look.
MB: Wag na nga nating pag-usapan yan. Hayaan mo silang magputol, makikikabit na lang ako diyan sa kapitbahay. Teka, asan na ba tayo... (my name), magkano ba ang isang share ng Meralco? Yung A ha, ayoko ng B.
Me: Depende po kasi yan kung kelan kayo bumili. Nagbabago kasi ang presyo.
MB: Ano? Bakit nagbabago ang presyo? Pwede ba yon?
Me: Kasi po araw araw may buyer at may seller. (I was at a loss of how to explain it to him). Pag maraming bumibili, tumataas ang presyo. Pag maraming nagbebenta, bumababa ang presyo.
MB: Nay ko po, pwede bang tumawad diyan?
Me: Err..
MB: Sabi mo kasi market, eh di ba palengke, wet market. Eh di parang palengke lang ang stock market. Pwede kang tumawad dun diba?
Me: Uhmm.. wala po kasing market master ang stock market (I interjected with a bit of sarcasm).
(To be continued)
Tuesday, August 14, 2007
Some Hairy Issues
Posted by Sherwin at 8:46 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
looks like magkakasundo kami ng barbero mo. hahaha! =P
Post a Comment